top of page

STUDY OF RESILIENCE

Ito ay mga litrato na kinuhanan noong Mayo 29, 2022 sa Beata St. ng Pandacan, Manila noong ako ay nakipagpanayam kay Mang Lhejie na isang trolley operator. Ito ay ang mga trolley na mapapansin na nakatambak sa gilid ng mga riles kung saan nandoon ang mga informal settlers. 

Ang iilan sa mga trolley na ito ay ginagamit pa din sa pagbiyahe sa riles hanggang ngayon; kahit na mayroong pandemya. Ang iba naman ay nakatambak na lamang sa gilid ng riles; naghihintay na bumalik ang sigla ng mga pasahero. 

Ang trolley para sa akin ay isang simbolo ng resilence. Ang mga Pilipino katulad ni Mang Lhejie ay hindi tamad. Sa gitna ng suliranin ng transportasyon at hanapbuhay, sila ay naghahanap ng paraan para makapagtrabaho, makaipon ng panggastos para sa araw araw at iba pa. Ngunit, ang trolley din ay simbolo ng patuloy na paghihirap; simbolo ng patuloy na hindi pag-unlad. 

Nakakapagod po maging resilient; lalo na't pwede naman gawan ng paraan. Hindi lang nila ibinibigay ang solusyon. 

bottom of page